PRESS STATEMENT NI SENATOR BENIGNO S. AQUINO III
February 3, 2010
1. Hindi na ho kami nabigla sa mga pangyayari. Una, dalawang taon na pong nangangampanya ang aking mga katunggali habang ako’y kasisimula lamang. Ginagampanan ko rin ang mga tunkulin ko bilang mambabatas habang wala ng inatupag ang ibang mga kandidato kung hindi pangangampanya. Pinabayaan na nila ang kanilang mga tunkulin sa mga taong pinagkatiwalaan sila ng boto. Pangalawa, sa laki ng gastos ng kabilang kampo sa political advertising, at sa pataksil at walang basehang mga paninira nila sa akin, kasama pa ang ang mga pang-uusig na dinaranas namin mula sa administrasyon—ang pagsisante’t paglipat sa mga police directors, mga walang katuwirang desisyon ng Comelec upang alisin ang aming mga kapartido sa kanilang mga katunkulan sa lokal na pamahalaan, mga biglaang paghinto ng administrasyon sa proyekto sa mga probinsyang sumusuporta sa amin, at kamakailan ang pagpigil sa aming mga rally—ang nakakagulat po ay ako pa rin ang nangunguna sa lahat ng presidential surveys.
2. Bawat araw, nagiging klaro sa aming mga isipan na mayroong maitim na sabwatan sa pagitan ng administrasyon at ng aking katunggali. Kaya nga hindi napigilan ng tagapagsalita ng palasyo ang kanyang sarili sa pagpapasalamat sa isa sa mga kandidato dahil sa kanyang pananahimik bagama’t kailangang tutulan ang maraming katiwalian ng administrasyon.
3. Ngunit hindi ho ibig sabihin nito’y hindi kami handang haharapin ang mga pagsubok ng kampanya. Marami sila, pero tinitiyak ko sa lahat na hindi namin tatalikuran ang mga ito. Unang-una, ipararating namin ang aming mensahe sa mas marami nating mga kababayan: ang malinis, marangal, tapat, at responsableng pamahalaan na tatapos sa katiwalian, at gugugol sa kaban ng bayan para sa serbisyo sa mga mahihirap upang malunasan ang kawalan ng pagkain at kawalan ng pag-asa. Ito’y matibay at mahalagang mensahe na nauunawaan at mauunawaan ng mas marami pang mga Pilipino. Naipadama na ho namin ang mensaheng ito sa maraming mga kababayan. Sa darating na mga araw, ipagpapatuloy namin ang gawaing ito, at hihigitan pa sa pamamagitan ng mga patalastas.
4. Naniniwala rin ho ako na hindi pa nararamdaman ang bentaha namin: ang pwersang nagmumula sa aming kakayanang pakilusin ang aming mga volunteers sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Inaasahan naming mangyayari ito kapag pormal nang nagsimula ang kampanya ngayong Pebrero, na siya ring buwan ng makasayayang People Power.
5. Hindi ho bago sa akin ang mga pangyayaring ito—pinagdaanan ko na ito. Noong una akong tumakbo bilang congressman noong 1998, hinarap ko ang walong mga katunggali at sa simula’y nakamit ko ang dalawa sa bawat tatlong boto. Matapos nito’y pinagtulungan nila ako—lahat ng maibabato ay ibinato nila sa akin, at nangalahati ang aking mga numero. Ngunit dahil walang katotohanan ang kanilang mga paninira, at dahil sa aking mensahe ng pag-asa at pagbabago, sa huli ako rin ang nanaig.
6. Ang sana’y hindi natin kinakaligtaan ay ako pa rin ang nangunguna sa lahat ng presidential survey—simula noong idineklara ko na ako’y tatakbo bilang pangulo hanggang sa araw na ito. Ipinapangako ko sa lahat, lalo na sa mga nagtitiwala at sumusuporta sa akin—na kapag pormal nang nagsimula ang panahon ng pangangampanya, lalo kaming magsisikap upang patuloy na mangibabaw sa labang ito. Sa tulong ng Liberal Party at ng aking running mate na si Mar Roxas, bibigyan natin ng katuparan ang pag-asa ng lahat para sa malinis at maasahang pamahalaan na may malasakit sa bawat Pilipino.
Hi Guys,
Allow me to write this again.
I keep wondering why nobody is making good use of the cover story of the March 2010 issue of the Reader’s Digest Asian Edition. The title is, Philippines Who Do You Trust? The survey is done by an independent group. The result? For those running in May 10:
#5. Noynoy Aquino
#17 Vilma Santos
#24. Mar Roxas
#41 Alfredo Lim
#47 Rodrigo Duterte
#48 Dick Gordon
#50 Chiz Escudero (bowed out)
#52 Joker Arroyo
#60 Manny Villar
#65 Gibo Teodoro
#73 Bongbong Marcos
#74 Imee Marcos
#77 Imelda Marcos
#78 Gloria Macapagal Arroyo
#79 Erap Estrada
#80 Hayden Kho (just to to rub in the idea of the company they keep)
Please grab a copy. Use this potent tool. Never mind the dismal position of some personalities (e.g. # 42!)
Good luck God bless
I am an informed voter and I don’t get influenced by surveys nor to others opinions and endorsements. The Filipinos need a man that can lead them to become disciplined, because no matter how great is your motives to serve still the biggest issue to handle would be to discipline and have your electorate cooperate with you under your leadership. I pray that Filipinos would vote for the righteous President to lead them towards a united and prosperous Philippines this coming 2010 election. Good luck to us!!!!
Despite the lack of campaign funds, i hope and i pray that we all support the presidential bid of Noynoy Aquino.
Let’s keep moving on with our campaign for NOY. Let us inspire others with NOY’s platform of an honest governance and service. Sana ang bawat mamayan na nanininwala sa mga prinsipyong ating ipinaglalaban at pinagbabahaginan ay kumilos nang kusa. H’wag nang maghintay pa na may tutulak o hahatak. Magkusang kumilos sa pagpapalaganap ng ipinaglalaban ni NOY at ni MAR. Salamat po sa ating pagkakaisa.
Our country needs a break. Kung yong bilyon bilyong pesos na nawala dahil sa korupsiyon ay mapunta lamang sa dapat na papuntahan, malaking tulong na ito sa naghihirap na bayan.
Naniniwala po ako na kung mahalal ang kandidato na sobra ang laking ginastos sa eleksiyon na katulad ni Sen. Villar, babawiin lamang nito ang kanyang ginastos sa eleksiyon at proteksiyonan ang kanyang negosyo para lalo pa siyang yumaman.
Nasa atin pong pagpasiya mga kababayan ang kinabukasan ng ating bayan.