Skip to content


Noynoy Aquino’s covenant with the nation

Minamahal ko’ng kababayan.

Tadhana ang nagbuhol sa atin.
Dahil naghihingalo na ang ating bayan.
Nais kong pumasok sa isang kasunduan sa inyo:

Lalaban tayo para sa wastong edukasyon ng bawat batang pilipino.
Lalaban tayo para sa abo’t kayang serbisyong pangkalusugan.
Lalabanan natin ang kahirapan.
Lalabanan natin ang mga kawatan.
Lalabanan natin ang sino mang wawasak sa kalikasan.
Lalabanan natin ang sino mang manggugulo sa ating kapayapaan at katahimikan.

Ang laban natin ay laban ng bayan.

Sa ‘ngalan ng aking mga magulang at sa gabay ng Diyos, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na pag-silbihan ang mahal nating inang bayan.

Bilang tunay na sagot sa kahirapan at tunay na daan sa kaunlaran, ang inyong linkod, Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, isang mamamayang pilipino, nangangako sa Diyos at sa Bayan:

HINDI AKO MAGNANAKAW.

English:

My fellow countrymen,

Destiny bound us all to a common path.

Our country is in peril.

Allow me to come into an agreement with you:

We shall fight for proper care and education for every young Filipino.
We shall fight for affordable healthcare for all.
We shall fight against poverty.
We shall fight against the enemies of our society.
We shall fight against the enemies of nature.
We shall fight whomever desires to destroy our peace.
We fight as a nation.

In the memory of my parents, with the grace of God, I will do everything I can to serve our motherland.

In offering a solution to our hardship and the true path to progress, I, Benigno “Noynoy” Aquino III, one with the Filipino people, I make this pledge to God and country:

I SHALL NOT STEAL.

Post to Twitter Tweet This Post

Posted in by Noynoy Aquino.


73 Responses

Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.

  1. inchel says

    btw,sa mga taong hindi pa rin sumasang-ayon sa pagkapanalo ni p-noy,please..the elections are already over so we can’t do anything na..oops..sorry..meron pla..unite for the betterment of the nation!

  2. inchel says

    i am not yet qualified to vote because of my age, but that cannot stop my consciousness of what is going on..i believe that noynoy is capable of what he says he can; i know he has the whole nation on his shoulders..good luck,sir, and please don’t let your people down..=)

  3. edynario says

    to: Noynoy Aquino

    sinasabi mo sa iyong mga advertisement sa t.v. na labanan ang corruption, noon bang panahon ng Ina mo na si nasirang Cory Aquino, wala bang corruption na nangyari. Hindi ba noong umupo ang ina mo bilang pangulo ng pilipinas ang mga kamag anak ninyo ang nakinabang sa mga naiwan ng mga Marcos katulad ng mga alahas ni Imelda Marcos.
    Di ba noong panahon ng Ina mo may ipinagawang 25 years to pay na mga bahay..ilang taong pa lang ay dilikado na para tirahan ng pamilyang pilipino sa dahilang mahuna ang istruktura ng proyekto niya.
    walang umupo sa pagiging pangulo ng pilipinas ang hindi nag hangad na makatulong sa taong bayan.Pero wala ring naluklok na hindi nag nakaw sa bayan.Bakit hindi kayo mangampanya ng hindi nag sisiraan bawat isa. Sa totoo lang sa aking pananaw lahat kayo ay may mga pansariling interest kaya lahat kayo ay nag aagawan , nag aaway ,at nag sisiraan para maluklok sa pwesto ng pagiging pangulo ng pilipinas. Ang sarap pakinggan lahat ng mga pangako, mga pangarap at mga binabalak ngunit sana kung sakali maupo sino man sa inyo ay mag karoon naman kayo ng konsensya.
    nakikita ninyo NGUNIT HINDI NINYO NARARANASAN ang mga sitwasyon dahil kayo ay ipinanganak na may masasabing kayaman.
    Kung ikaw ang palarin na manalo bilang pangulo ng pilipinas, ipinangako mong hindi ka magnanakaw at sinabi mo yan sa iyong advertisement…paano ang mga malapit sa iyo katulad ng kamag anak mo, ksama na duon ang mga kapatid,pinsan, uncle,tita, bestfriend o kaya ang magiging nobya o asawa mo??? nakakasigurado ka bang hindi mo sila papanigan o pagbibigyan kapag may hiniling sila sa iyo. Gagawin mo ba na maghugas kamay o magwawalang bahala ka na lang para mapagbigyan sila?

    Katulad ka rin ba ni ERAP na WALANG KAMG ANAK O KAIBIGAN…ganun din ba ang magiging sagot mo?
    At sinong tatayong 1st lady mo? Si Kris na kapatid mo,,, wow hindi yata dapat sa dahilang hindi din maganda ang kanyang kasaysayan.

    maraming salamat

  4. Manilyn says

    ..go ninoy.. you’re the one and we believe in you….

  5. Chito Enrile Geronimo says

    Why I’m Voting for Noynoy Aquino

    On a serious note, guys, let’s all go into this issue with open minds and logic! I’m a student of “marketing” (next most important principle after “LAW”), and I fully understand how “emotional” elections can be. In marketing, we have a saying, “People buy emotionally and then defend it with logic.” This principle is how “marketers” play you and me! They stir up our emotions to “buy!” Realize, friends, that an election is just a “grand marketing campaign” of a “product” with a great social impact! Marketing “something” is a great “communications” battle! Patamisan ng “offer,” guys!
    Do realize friends, Noynoy Aquino cannot solve the country’s problem! Noynoy will not be able to eliminate corruption (it will stay with us till kingdom come!)! Noynoy will not be able to solve poverty! Noynoy will not make the poor rich! Noynoy will not be able to clean Pasig river and all the esteros! Not in six short years!!! Not in the wildess of all our dreams!!!
    But why am I voting for Noynoy? It’s my own personal and very “emotional buy!” It’s a “personal gamble” on a person, whom I think, meets my own “personal standards!” What I’m betting on is that, Noynoy, as president, can show the model of an “incorruptible” chief executive in the midst of a very “corrupt system of governance.” That while modeling a “great leadership character,” Noynoy can awaken others like him (or like you and me) to follow and support him to lead this government to the right direction. I’m betting that Noynoy will just not fall prey to so-called “bandaid solutions,” (a clear mark of TRAPOS) which just address “symptomatic problems,” but rather, first and foremost, work with all the branches of government, private sector and society as well, to lay the ground in addressing “fundamental problems” in order to work for a long-term growth and improvement in our processes/systems. And I fully realize that my bet can only show me if I’ve won or lost after six short (for a good one) or long (for a bad one) years!
    I can only ask for God’s blessings for my “emotional buy.” God bless the Philippines and the Filipinos!

  6. marciano says

    Ito na po siguro ang pinaka tamang sagot sa mga paniniwala na walang nagawa si noynoy sa haba ng kanyang paninilbihan sa bayan, maaaring ang lahat ng katungali ni noynoy ay maraming nagawa katulad ng kanilang ibinabandera sa kanilang mga tv ads.. ngunit di tulad ni noynoy di nila kayang sabihin na di nila nagawang magnakaw at di magagawang magnakaw. ang isang lingkod bayan ay kailan man di maaring mas mayaman pa sa kanyang bayang pinaglilikuran maliban kung siya’y isang magnanakaw, iniwang walang laman ang kaban at mahabang lista ng utang habang ang buong maganakan ay namumunini’t bundat at sige pa ang paglalaway.

    NOYNOY di kita kilala, ngunit binigyan mo ako ng pagasa dahil sa mga bagay na di mo nagawa. SALAMAT at DI KA MAGNANAKAW.

  7. sychitpin says

    napakaganda ng covenant at video ni Noynoy na binibigkas ito, i think it will be one the best and tremendously effective Noynoy’s TV and radio ads, it could be added to Noynoy’s TV ad showing many celebrities

  8. Raffy Boy says

    Sir Noynoy,isa po akong OFW na nagsasakripisyong malayo sa mahal ko sa buhay kumita lang ng sapat para maibigay ang magandang buhay sa kanila.Naluluha ako habang tinitipa ko ang komento ko sa iyo…Bakit?Kasi muli na naman akong maniniwala sa mga pangako,di ako nagsasawang makinig sa mga pangako ng mga pulitiko kasi talaga naman nasa kamay ng mga namumuno ng bansa ang pag-unlad nito.Pero ilan pangako na ang di natupad kasi kapag nasa pwesto na sila nakakalimut na ang karamihan…sana po sir Noynoy di po kayo katulad nila kasi muli po akong magtitiwala at kayo po ang pagkakatiwalaan ko at ilalaban ko po at itataya ang isa kong boto para sa kinabukasan ng aking mga anak ko.Nasa likod po ninyo ang mga taong bayan na sawa na sa katiwalian at sawa na sa kahirapan,Mabuhay po kayo.

  9. kristine says

    Wala pa yata akong narinig na kandidatong nangako na tulad mo na hindi magnanakaw…ang tanging pangako nila ay pagsugpo sa kurapsiyon…palibhasa kasi balak talaga nilang magnakaw sa kaban ng bayan….kaya d nila kayang ipangako ang ganito sa bayan…

    I believe in you NOYNOY…
    Ipagpatuloy mo ang pagiging mabuting tao, MAKADIYOS AT MAKABAYAN…

    IKAW NA LANG ANG PAG_ASA ng ATING BANSA….

1 ... 4 5 6

Continuing the Discussion

  1. Hindi ako magnanakaw – Noynoy Aquino’s covenant with the nation | Chronicles of Kotsengkuba linked to this post on January 12, 2010

    [...] NOYPIPOL: The Official Blog of Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino Be a fan of Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino in [...]



Some HTML is OK

or, reply to this post via trackback.