Sa ating paggunita sa kaarawan ni Hesu Kristo na ipinanganak sa gitna ng matinding hirap, atin ding isapuso ang mensahe ng Kanyang kapanganakan.
Dumaan tayo sa matinding sigalot sa taong ito: ang pagsalanta ng mga bagyo, ang pagpatay sa mga inosenteng sibilyan, ang pagkawala ng moral bilang mamamayan dahil sa tiwaling pamamahala.
Sa kabila nito, tuloy pa rin tayong umaasa, tulad ng pag-asa natin sa pangako ng Panginoon. Bilang mamamayan, nasa ating kamay ang pagbangon ng ating bayan.
Isabuhay natin ang pinakadakilang utos ng Diyos: “Mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal Ko sa inyo.”
Ang pagmamahal nang walang kapalit tulad ng sa Panginoon ang magsisilbing gabay upang malampasan natin ang ating mga pagsubok.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtataguyod at pagmamahal. Kayo po ang lakas namin.
Maligayang Pasko po at mapayapang bagong taon sa inyong lahat.
Sumasainyo, |

Maligayang Bagong Taon po G. Noynoy , salamat sa website mo po at marami akong nababasa mula sa inyo. Sa totoo lang po ay malungkot kami ngayong bagong taon dahil po namatay yong tatay ko nitong Jan.5, 2010. Siya po ay na-stroke dahil sa kakapanood po ng boxing fight ni Manny Pacquiao vs Miguel Cotto. Noong matapos na po yong laban ay hindi na pala makatayo sa kinauupuan nia ang tatay ko at that moment po pala ay na-stroke na yong tatay ko. Sana po G.Noynoy ay matulungan nyo rin ako na maiparating kay Manny ang nangyari sa father ko at baka po maawa din siya sa nanay ko na naghihirap po ngayon at baka po matulungan niya rin ang nanay ko po. Marami pong salamat at MABUHAY PO KAYO AT NAWA AY PAGPALAIN KAYO SA INYONG IPINAGLALABAN NA PRINSIPYO. NAWA AY MAGWAGI KAYO SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA KATIWALIAN SA ATING BAYAN AT KAMI AY UMAASA SA INYO NA MABIBIGYAN NYO PO NG MAGANDANG BUKAS ANG ATING BAYAN. (fr Palawan)
Maligayang Bagong Taon po G. Noynoy , salamat sa website mo po at marami akong nababasa mula sa inyo. Sa totoo lang po ay malungkot kami ngayong bagong taon dahil po namatay yong tatay ko nitong Jan.5, 2010. Siya po aaaaay na-stroke dahil sa kakapanood po ng boxing fight ni Manny Pacquia vs Miguel Cotto. Noong matapos na po yong laban ay hindi na pala makatayo sa kinauupuan nia ang tatay ko at that moment po pala ay na-stroke na yong tatay ko. Sana po G.Noynoy ay matulungan nyo rin ako na maiparating kay Manny ang nangyari sa father ko at baka po maawa din siya sa nanay ko na naghihirap po ngayon at baka po matulungan niya rin ang nanay ko po. Marami pong salamat at MABUHAY PO KAYO AT NAWA AY PAGPALAIN KAYO SA INYONG IPINAGLALABAN NA PRINSIPYO. NAWA AY MAGWAGI KAYO SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA KATIWALIAN SA ATING BAYAN AT KAMI AY UMAASA SA INYO NA MABIBIGYAN NYO PO NG MAGANDANG BUKAS ANG ATING BAYAN. (fr Palawan)
Want to know who F. Sionil Jose, one of the greatest–if not the greatest–living Filipino authors, is endorsing? Watch this: http://www.youtube.com/watch?v=s5uNE4Gxncg